Papalo na sa 497 aftershocks ang naitala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa bahagi ng Soccsksargen region.
Ito’y makaraang tumama ang Magnitude 6.3 na lindol sa bahagi ng North Cotabato kamakalawa, kung saan tinatayang aabot na sa 613 pamilya o katumbas ng mahigit 3,000 indibiduwal ang apektado.
Batay sa datos ng NDRRMC, ang nabanggit na bilang ng mga apektado ay nagmula sa Regions 11 at 12 kung saan, nananatili pa rin sa lima (5) ang nasawi habang 89 ang kumpirmadong nasugatan.
Samantala, umakyat na sa 144 na mga imprastraktura ang naitalang napinsala ng lindol sa Regions 11, 12 at BARMM.