Tila lalo pang tumatamis ang pag-iibigan ng showbiz couple na sina Aga Muhlach at Charlene Gonzales.
Mararamdaman ito sa palitan ng mensahe ng mag-asawa sa kani-kanilang Instagram account kaugnay sa pagdiriwang nila ng ika-labing anim na taong wedding anniversary kahapon.
Unang nag post ng kanyang anniversary message si Aga kung saan pinapasalamatan niya si Charlene sa pag-aalaga sa kanya at mga anak nilang sina Atasha at Andres.
Sinabi pa ni Aga na kulang ang pasasalamat sa kanyang maybahay na tinagurian niyang my everything at my anchor na hindi rin aniya nabibigong bigyan siya ng surprises lalo na kung anniversary nila.
Ilang minuto naman ang nakalipas ay si Charlene naman ang nag post ng super lambing na mensahe para sa esposo.
Ayon kay Charlene, nagpapasalamat din siya kay Aga sa pagmamahal na binibigay nito at itinuturing niyang blessing sa buhay niya ang aktor.
Post pa ng dating Binibining Pilipinas Universe, sadyang mabilis ang takbo ng panahon dahil nag-eenjoy siya sa pagmamahal ni Aga.
Hindi rin siyempre nawala sa post ng mag-asawa ang mga katagang “I love you very very much”.
Cheesy at kilig naman ang maraming komento ng mga netizens na natutuwa sa palitan ng lambingan nina Aga at Charlene.
By Judith Larino
Photo: Screengrab from itsmecharleneg/ Instagram