Pinatitiyak ni Department of Education (DepEd) secretary Leonor Briones ang agad na pagbibigay ng benepisyo sa mga gurong magsisilbi ngayong halalan 2022.
Ayon kay Briones, mangunguna rito ang DepEd Election Task Force 2022 para masigurong hindi made-delay ang honoraria ng mga guro.
Maliban sa benepisyo, pinatitiyak din ng kalihim ang pag-alalay sa mga guro mula sa paghahanda hanggang sa post-election activities.
Batay sa Comelec resolution no. 10727, ang halaga ng benepisyong matatanggap ng mga gurong magsisilbi sa eleksyon ay ang mga sumusunod;
- P7-K para sa chairperson ng electoral board
- P6-K para sa electoral board members
- P5-K para sa deped supervisor official
- at P3-K para sa support staff