Nanawagan sa pamahalaan ang grupo ng mga commuters na agad na resolbahin ang problemang idinulot ng naranasang aberya sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ito ay matapos maapektuhan ng aberya ang libo-libong pasahero sa mga paliparan na naganap nitong pagpasok ng taong 2023.
Sa panayam ng DWIZ kay Atty. Ariel Inton, presidente ng Lawyers for Commuters Safety and Protection, iniapela nito ang agad na pagsasagawa ng imbestigasyon.
Kinuwestiyon din ni Inton ang inihaing panukalang pondo ng paliparan at inihambing na naranasang hirap ng mga pasahero.