Walang anumang balasahan sa committee chairmanship at deputy speakership ang mangyayari sa Kamara.
Ipinabatid ito ni House Majority Floorleader Rodolfo Fariñas matapos igiit ni house Speaker Pantaleon Alvarez na sisibakin bilang pinuno ng mga komite ang mga kongresistang boboto laban sa death penalty bill.
Sinabi ni Fariñas na nakiusap siya kay Alvarez na huwag munang ituloy ang nasabing banta at sa halip ay ipaubaya na lamang sa kaniya ang usapin.
Kabilang sa 54 na bumoto laban sa death penalty law sina dating Pangulong Gloria Arroyo na itinalagang deputy speaker at Congresswoman Vilma Santos-Recto na chair ng house committee on civil service and professional regulation.
By Judith Larino |With Report from Jill Resontoc