Pinabibilisan ni assistant minority leader at act teachers representative France Castro ang pagpapalabas ng 2022 salary differential ng mga guro sa pampublikong paaralan.
Kinalampag ni Castro ang Department of Budget and Management (DBM) at Department of Education (DepEd) upang makasabay ang mga ito sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin at mga serbisyo sa kabila ng kakarampot na sahod.
Giit pa ni Castro, matagal na dapat ginawa ng naturang mga ahensya ang mga kinakailangang proseso sa pamamahagi nito pagkatapos mailabas ang 2022 budget dahil inaasahan na aniya ito ng mga guro na siyang ikatlong tranche ng salary standardization.
Bukod pa rito, muling inihirit ng kongresista na ibigay na rin sa mga guro ang malaking dagdag na sahod na matagal na nitong ipinanawagan.