Marami ang nakararanas ng nosebleeding o pagdurugo ng ilong na madalas tuwing malamig ang panahon.
Ang kadalasang sanhi ng nosebleed ay trauma sa ilong tulad ng pagkakasuntok sa mukha, pagkalikot sa ilong o kapag sobrang lamig. Para masolusyunan, narito ang first aid kapag nakaranas ng nosebleeding:
- Umupo ng maayos at i-abante ang katawan.
- Pisilin ang ilong. Huminga sa iyong bibig. Pisilin ng lima hanggang sampung minuto. Ang pagpisil ay nagbibigay ng pressure sa nasal septum na nakapagpapatigil ng pagdurugo.
- Para maiwasan ang pagdurugo ulit ng ilong, huwag kalikutin ang ilong at huwag bumahing o suminga gamit ang ilong.
- Iwasan ang paninigarilyo dahil nagreresulta ito ng panunuyo at iritasyon ng ilong.
- Panatilihing mas mataas ng iyong ulo kaysa sa iyong puso huwag munang humiga.
- Kung sakaling dumugo ulit ang ilong, suminga sa iyong ilong upang matanggal kung mayroon mang namuong dugo at magpatak ng decongestant nasal spray na may oxymetazoline. Pisilin ang ilong at kapag hindi pa tumigil ay magpatingin na sa doktor.