Tiniyak ni Justice Secretary Menardo Guevarra na hindi tumitigil ang Gobyerno sa pag-iimbestiga at pag-aksyon sa bawat pag-atake laban sa mga Filipino Journalist.
Tugon ito ni Guevarra sa inilabas na report ng Global Impunity Index ng US – Based Committee to Protect Journalists na pang-pito ang Pilipinas sa bansang pinaka-mapanganib para sa mga mamamahayag.
Ayon kay Guevarra, malaki ang naitulong ng Presidential Task Force on Media Security sa paglilitis sa maraming kaso ng media violence.
Nanguna naman sa Global Impunity Index ang Somalia na sinundan ng Syria, Iraq, South Sudan, Afghanistan, Mexico, Brazil, Pakistan, Russia, Bangladesh at India. —sa panulat ni Drew Nacino