Ibinahagi ng pamahalaan ng Ormoc City ang dahilan kung bakit nananatiling coronavirus disease 2019 (COVID-19) free ang syudad.
Ayon kay Mayor Richard Gomez, March 13 pa lamang ay nagpatupad na sila ng border lockdown kaya’t wala nang nakapasok pa sa kanilang syudad.
Tuloy-tuloy din anya ang pamimigay nila ng ayuda sa kanilang mga kababayan upang maka-agapay sa ipinatupad nilang lockdown.
Kabilang dito ang tig-isang sako ng bigas sa may 63,000 households sa syudad.
Natapos na rin anya nila ang pamamahagi ng social amelioration na tig-P5,000 sa mga kwalipikadong mamamayan ng Ormoc City.