Nakatakda ng maghain ng manifesto ang Commission on Elections sa Commission on Appointments at tanggapan ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa agarang pag-upo ni dating Commissioner Sheriff Abas bilang bagong chairman ng COMELEC.
Paliwanag ni COMELEC Regional Director Atty. Reynato Magbutay, kailangan na nilang magkaroon ng permanenteng pinuno lalo na at nalalapit na ang Barangay at Sangguniang Kabataan elections.
Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte na maging kapalit ni resigned Chairman Andres Bautista, pinakabatang Chairman din si Abas sa edad na 38 anyos.