Nanawagan ang Quezon City government sa mga kumpanya na agad ipagbigay-alam sa kanila kung may mga tauhan o manggagawa silang nagpositibo sa COVID-19.
Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, ito ay upang maiwasan ang pagkalat ng virus sa kanilang work area at katabing mga komunidad.
Nagbanta si Belmonte na magsasampa sila ng kaso sa mga construction firm na hindi makikipagtulungan sa pamahalaang lungsod.
Kasunod ito ng paghahain ng kaso ni City Attorney Orlando Paolo Casimiro sa millennium Erector Corporation na lumabag sa health protocols kung saan 57 construction workers nito ang nagpositibo sa COVID-19.—sa panulat ni Hya Ludivico