Dapat nang bumuo agad ng economic team si dating senador Bongbong Marcos, na presumptive winner sa presidential race sa katatapos lamang na halalan.
Ito’y upang maiwasan ang pangambang mag-alisan ang mga investor dahil sa kawalan ng tiwala sa kanyang magiging administrasyon.
Ayon kay dating presidential spokesman Edwin Lacierda, na isa ring Political Analyst, ang pagbulusok ng Philippine Shares ay indikasyon ng kawalang tiwala ng mga investor.
Dapat anyang mapagkakatiwalaan, propesyunal at respetado sa larangan ang mga kukuning miyembro ng economic team ni Marcos.
Binigyang-diin ni Lacierda na kailangang unahin muna ang economic team dahil ito ang problema ngayon.
Magugunitang lumagpak sa 3.1% hanggang 6,500 level ang benchmark Philippine Stock Exchange Index bago magsara sa .58%.