Tiniyak ng Milwaukee Bucks ang agarang paghahanda sa inaasam na kampanya sa Eastern Conference Finals matapos tuldukan ang semifinal series sa Boston Celtics sa game 5 sa final score na 116-91.
Hinihintay na lamang ng Bucks kung sino sa Toronto Raptors at Philadelphia Seventy Sixers ang mananalo sa serye nila kung saan nakatalong panalo na ang Toronto at dalawa naman ang Seventy Sixers.
Itinuturing naman ni Bucks forward Giannis Antetokounmpo na kapwa mapanganib ang dalawang team kayat paghahandaan nila sinuman ang manalo sa dalawang ito.
Ito ang unang beses nang pagtuntong sa east finals ng Bucks makalipas ang 18 taon o mula nuong 2001.
Samantala, sinisi naman ni Celtics Head Coach Brad Stevens ang sarili matapos mabigo ang koponan na makausad sa susunod na round.
Inamin ni Stevens na hindi niya nagamapnan ng maayos ang kaniyang trabaho kaya’t gagamitin niya ang panahon para alamin kung ano pa ang mga kailangang ayusin sa strategy ng team.
Sa ngayon ay pagtutuunan ng celtics ng atensyon ang summer kung kailan ang mga players nilang sina Kyrie Irving, Al Horford at Marcus Morris ay maaring maging unrestricted free agents bukod pa sa ilang mga usaping kailangang sagutin ng team.
—–