Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Bases Conversion and Development Authority (BCDA) na tiyakin ang napapanahong pagtapos sa Airport to New Clark City Access Road (ANAR) sa Mabalacat, Pampanga.
Sa ginawang pag-inspeksyon sa ANAR, binigyang-diin ni Pangulong Marcos na hindi lamang magbibigay-daan para sa mas maraming turista at investments ang proyekto, kundi magbabawas sa travel time ng mga dumadaan dito. Aniya, mula isang oras, magiging 20 minutes na lang ang biyahe.
Makakatipid din ang commuters dahil mananatili itong toll-free.
Bahagi ang ANAR sa One Clark development approach ng BCDA na naglalayong isulong ang economic at social transformation ng bansa sa pamamagitan ng development sa ibang lugar na labas ng Metro Manila.
Kinokonekta ng 20-kilometer highway ang New Clark City (NCC) at Clark International Airport (CIA).
As of February 14, naiulat na 95.21% ng naturang access road ang tapos na. Inaasahan itong makumpleto sa June 24.