Inapela ni Bohol 2nd District Representative Erico Aris Aumentado kay Bohol Governor Arthur Yap na bilisan ang pagpapalabas ng calamity fund para matugunan ang pangangailangan ng mga mamamayan ng Bohol.
Aniya, bilang kongresista wala silang pondo sa pagtugon sa kalamidad, ngunit ginagawa aniya nito ang kanilang makakaya para makapagbigay ng tubig at pagkain sa mga nasalanta.
Panawagan nito, agad na ilabas na ang naturang pondo upang agarang makapag-distribute na ng relief goods sa mga residente. —sa ulat ni Tina Nolasco (Patrol 11), sa panulat ni Joana Luna