Hindi pabor si Health Reform Advocate Doctor Tony Leachon sa madaliang pagluluwag ng quarantine restrictions sa bansa.
Sinabi ni Leachon, na dapat mas paghandaan ng pamahalaan kung paano gagawing malakas at resilient kontra COVID-19 ang Pilipinas.
Dagdag pa ni Leachon, mas maiging manatili sa ilalim ng alert level 2 status ang NCR at iba pang panig ng bansa kahit pa nasa 1.4% na lang ang positivity rate ng COVID-19 cases.
Nauna nang nagpahayag si Health Secretary Francisco Duque, III na pabor siya kung mananatili sa alert level 2 ang Pilipinas, ngayong may banta ng Omicron variant sa iba’t-ibang mga bansa. —sa panulat ni Joana Luna