Nanawagan ang isang US senator na madaliin ang pagpapalaya kay Senadora Leila De Lima gayundin ang iba pang mga babaeng political prisoners.
Sa naging mensahe ni US Senator Bob Menendez kasabay ng pagdiriwang ng International Women’s Day, iginiit nito ang pagpapalaya sa mga babaeng political prisoners na walang hustisyang ipinakulong at hina-harass.
Isa aniya rito si Senadora De Lima na isang matapang na kritiko ng war on drug ng administrasyong Duterte at human rights advocate na walang saysay aniyang ipinakulong.
Binigyang diin ni Menendez, ginamit na paraan ni Pangulong Duterte ang pagpapakulong kay de lima para patahimikin ito sa pagsasalita laban sa malawakang paglabag sa karapatang pantao sa Pilipinas.