Posibleng ang agarang pagpapa resign kay COMELEC Chairman Andres Bautista ang dahilan nang tuluyang pagpapa impeach dito.
Ito ang pananaw ni AKBAYAN Party List Representative Tom Villarin matapos baligtarin sa plenaryo ang naunang desisyon ng House Justice Committee na ibasura ang impeachment complaint laban kay Bautista.
Sinabi sa DWIZ ni Villarin na ang kaso ni Bautista ay katulad nang nangyari nuon kay dating Ombudsman Merceditas Gutierrez na hindi na umusad ang impeachment case matapos itong magbitiw sa tungkulin.