‘Dapat agarang ipatupad ang lockdown.’
Ito ang panawagan ni Senador Kiko Pangilinan sa gitna ng muling pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa National Capital Region o NCR.
Ayon kay Senador Kiko Pangilinan bagamat dapat agaran ang pagpapatupad ng paghihigpit huwag naman aniya ito sa buong rehiyon at sa halip sa mga Barangay o mga bayan na tumataas ang kaso batay sa testing at tracing.
Paliwanag ng Senador na ito’y para matutukan ang mga lugar at mapigilan din ang pagkalat pa ng kaso lalo na ng Delta variant.
Sa huli, iginiit ni pangilinan na oras na hindi maagapan ang pagtaas ng kaso ng virus sa ilang mga lugar ay paniguradong mauuwi nanaman sa NCR wide lockdown.— ulat mula kay Cely Ortega-Bueno (Patrol 9)