Susubukan ng Kamara na ipasa ngayong araw na ito sa ikatlo at huling pagbasa ng panukalang P4.1-T 2020 national budget.
Sinabi ni House Appropriations Committee Chair Isidro Ungab na dahil sa pag-certify ng Pangulong Rodrigo Duterte na urgent ang 2020 budget hindi na kakailanganin ang magkahiwalay na araw para ito aprubahan sa second at third reading.
Binigyang diin ni Ungab na mahalaga ang pagpasa ng budget sa oras para mapalakas ang ekonomiya ng bansa.
Ayon naman kay House Deputy Speaker Raneo Abu ang pagpasa sa 2020 national budget ay pangako ng Kamara sa Pangulong Duterte at sa sambayanang Pilipino para sa mas kumportableng pamumuhay ng mga Pilipino.
Ang 2020 budget ay magpapaangat sa kondisyon lalo na ng mga mahihirap sa buong banda at matitiyak ang pagkakaroon ng sustainable economic growth performance.