Muling ipinanawagan ni Cabinet Secretary Karlo Nograles ang agarang pagpasa sa National Land Use Act (NLUA) na naglalayong matiyak ang food security ng Pilipinas.
Ayon kay Nograles, pinuno ng Zero Hunger Task Force ng pamahalaan, lubhang nakakaapekto sa sektor ng agrikultura ang conversion ng mga agricultural lands at nagiging banta na rin ito sa seguridad sa pagkain ng bansa.
Lubos aniyang mahalaga kay Pangulong Rodrigo Duterte na sapat ang produksiyon ng pagkain ng bansa at natutulungan ang mga magsasaka dahilan upang ipanawagan ng presidente sa kanyang State of the Nation Address (SONA) noong Hulyo ang agarang pagpasa ng land use act.