Tiniyak ni Senate President Vicente Sotto III ang agarang pagpasa sa panukalang 14th month pay ng mga manggagawa sa pribadong sektor.
Sinabi ni Sotto na nais niyang kaagad makalusot ang nasabing panukala sa susunod na buwan.
Ipapa-follow up aniya muli kay Senador Joel Villanueva, Chairman ng Senate Committee on Labor, Employment and Human Resources Development ang nasabing panukala na magbibigay naman aniya ng exemption sa ilang pribadong kumpanya.
Naniniwala si Sotto na kayang kayang ipatupad ang 14th month pay dahil maraming kumpanya ang may kapasidad na ibigay ito.
—-