Pinaiimbestigahan sa Senado ni Senator Raffy Tulfo ang permananteng pagsasara ng Colegio De San Lorenzo (CDSL) sa Quezon City.
Sa inihaing Senate Resolution 156 ni Tulfo, layunin nitong tuparin ang kaniyang pangako sa mga guro ng CDSL na imbestigahan ang agarang pagsasara.
Aminado naman si Tulfo na nagdulot ng problema sa mga mag-aaral at guro ang pagsasara dahil biglaan itong nangyari.
Noong Agosto a-15, inihayag ng paaralan ang permanenteng pagsasara matapos ang 34 na taong operasyon.
Inamin naman ni Education spokesman Michael Poa na noon pang Agosto a-16 hindi pormal na ipinaalam ng CDSL sa DepEd ang desisyon.