Hiniling ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang agarang pagtatapos ng unang bahagi ng Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway (TPLEX) extension project na pinondohan ng mahigit P23 billion.
Sa presentasyon ng nilagdaang concession agreement para sa 59.4-kilometer four-lane toll road, ibinahagi ni Pangulong Marcos na mas bibilis ang paglago sa Luzon sa tulong ng proyekto.
Ayon sa pangulo, mababawasan na ang oras ng biyahe sa pagitan ng Rosario at San Juan sa La Union sa 40 minuto, mula sa kasalukuyang isa’t kalahating oras.
Aniya, makatutulong din ito sa paglikha ng mas maraming trabaho at oportunidad para sa mga Pilipino.
Bukod rito, inaasahang dadami ang mga turista dahil sa TPLEX extension project.
Ani Pangulong Marcos, “In turn, I appeal to San Miguel Holdings Corporation to complete the TPLEX Extension Segment 1 by 2028 and all other sections as scheduled; to ensure that every person involved in this project—whether in the office or in the construction zone—will work with determination and integrity, day in and day out.”