Nais ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Erwin Tulfo na agad na maipamahagi ang cash assistance sa ilalim ng ahensya sa mga benepisyaryo.
Ayon kay Tulfo, gusto niya na ora mismo ay mailabas ang cash assistance sa mga nangangailangan tulad ng kapamilya o kamag-anak na kailangan nang bayaran ang punerarya.
Sa ngayon aniya dahil sa dami ng requirement ay kinakailangan pang bumalik ng mga benepisyaryo sa government offices upang makuha ang assistance.
Dagdag pa rito ay inihayag ng kalihim na nais niyang bawasan ang rekisitos upang makakuha ng tulong mula sa pamahalaan.
Samantala, inihayag nito na nagsimula na ang pamamahagi ng 500 pesos cash aid sa mga pamiang nangangailangan sa ilalim ng DSWD program.