(As of 11PM)
Tuluyan nang nag-landfall ang tropical depression Agaton sa bisinidad ng Aborlan, Palawan.
Ayon sa PAGASA, huling namataan ang sentro ng tropical depression Agaton sa layong 40 kilometro timog ng Puerto Princesa City, Palawan.
Taglay nito ang lakas ng hanging umaabot sa 55 kilometro kada oras malapit sa gitna at may pagbugso na umaabot sa 75 kilometro kada oras.
Ang tropical depression Agaton ay kumikilos papuntang kanluran sa bilis na 30 kilometro kada oras.
Nakataas ang Signal No. 1 sa Palawan.
Inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyo bukas ng gabi.
Samantala, mararanasan ang katamtaman hanggang malakas na pag-ulan sa mga lugar kung saan nakataas sa signal No. 1, Bicol Region, Samar provinces, Southern Quezon, Panay Island at iba pang lugar sa MIMAROPA.