Posibleng umabot sa Korte Suprema ang hidwaan ng tatlong grupong nais maging minorya sa Kamara.
Ayon kina dating Majority Leader at Ilocos Norte 1st District Representative Rodolfo Fariñas at Marikina City 2nd District Representative Romero Quimbo na dating Deputy Speaker, i-aakyat nila sa Supreme Court ang issue.
Ito, anila, ay kung kikilalanin pa rin ng bagong House Speaker na si dating Pangulo at ngayo’y Pampanga 2nd District Representative Gloria Macapagal-Arroyo si Quezon Province 3rd District Representative Danilo Suarez bilang Minority Leader.
Inihayag nina Fariñas at Quimbo na awtomatikong miyembro na ng mayorya sina Suarez, Senior Deputy nitong si Lito Atienza ng Buhay Party-list at labindalawang (12) iba pang minority congressmen matapos bumoto para kay Arroyo noong July 23.
Gayunman, hindi nagkasundo sina Fariñas at Quimbo kung sino ang dapat tumayong minority leader.
—-