Nagpapatuloy parin ang pag-uusap ng Pilipinas at Tsina kaugnay sa isyu ng joint exploration sa West Philippine Sea.
Ayon kay Energy Sec. Alffonso Cusi, may ipinadala na silang imbitasyon para sa mga posiblengdayuhang kumpanya na handang magtungo sa Pilipinas at maglagak ng puhunan para sa eksplorasyon.
Sa ngayon, ani Cusi, nasa apat na service contracts na ang kanilang pino- proseso at hinihintay na lamang nilang matapos upang maisumite na sa Palasyo para ganap nang malagdaan ng Punong Ehekutibo.
Hiwalay naman aniyang usapin ang isyu ng pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea dahil hindi naman ito nakakaapekto sa joint exploration ng bansa.