Kinasuhan na ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang recruitment agency na nagpaalis kay Jeanelyn Villavende sa Kuwait.
Ayon kay POEA Administrator Bernard Olalia, sinampahan ng kasong administratibo ang ahensiyang nag deploy kay Villavende kasunod ng pagkamatay nito.
Aniya, bago pa namatay ang OFW ay nagsumbong na pala ito sa naturang ahensiya at humiling na mapauwi na lamang siya sa Pilipinas dahil sa nararanasang pag abuso at hindi pagbabayad ng kanyang sweldo ngunit bigo namang umaksiyon dito ang ahensiya.
Napauwi na sa bansa ang labi ni Villavende at kasalukuyang nakaburol sa kanilang tahanan sa South Cotabato.