Binuksan sa Mandaluyong City ang Aglipay Bridge at pumping station sa pangunguna ni M.M.D.A. Chairman Benhur Abalos sa kabila ng malakas na ulan kahapon.
Ang pumping station ay matatagpuan sa Aglipay Street, Barangay Poblacion kaya’t mapapakinabangan ito ng mga nakatira sa Boni Avenue at F. Ortigas.
Itinayo ito upang masolusyuan ang pagbaha sa mga mababang lugar sa lungsod.
Mayroon itong dalawang submersible engine na pumipiga sa dumi habang ang tubig na magmumula sa pumping station ay mapupunta sa San Juan River.
Plano anya ng M.M.D.A. na maglagay ng karagdagang 67 pumping stations upang maiwasan ang pagbahalalo na ngayong tag-ulan. —sa panulat ni Drew Nacino