Hindi pa lusot sa posibleng kaso si Agnes Tuballes, ang tumulong kay Joanna Demafelis na makapunta sa Kuwait.
Ito ay ayon kay CIDG Director Roel Obusan, sa kabila ng paglantad na ni Tuballes sa pulisya.
Paliwanag ni CIDG Dir Roel Obusan, isa kasi si Tuballes sa apat na personalidad na kanilang iniimbestigahan kaugnay ng kaso ni Demafelis.
Kabilang dito sina Arra Migtimbang na kontak ni Tuballes sa Kuwait, isang Mariz Azanji na sekretarya naman ng recruitment agency na nagpaalis kay Demafelis at ang buong recruitment agency na Our Lady of Mt. Carmel.
Dagdag ni Obusan, makikipag-ugnayan din sila sa National Bureau of Investigation (NBI) na nagsasagawa rin ng imbestigasyon.
Samantala, tiniyak naman ni Obusan ang seguridad ni Tuballes habang nasa kanilang pangangalaga lalu’t nakararanas ito ng pambubully sa social media.
Krista de Dios / Jonathan Andal / RPE