Niyanig ng magnitude 4.1 na lindol ang Agoncillo, Batangas dakong 11:56 p.m. ng Linggo, Enero 12.
Namataan ng Phivolcs ang sentro ng lindol sa layong 7 kilometro hilagang silangan ng Agoncillo.
Mayroon itong volcanic origin na may lalim na 8 kilometro.
Naramdaman ang Intensity V sa Tagaytay City.
Sa kasalukuyan ay ito ang pinaka malakas na pagyanig na naitala simula nang mag alboroto ang bulkang Taal kahapon.