Niyanig muli ng magnitude 4.1 na lindol ang bayan ng Agoncillo sa lalawigan ng Batangas –kasunod nang pag-aalburuto ng Bulkang Taal.
Ang panibagong pagyanig ay naganap-6:35 ng umaga at natukoy ang sentro ng lindol sa layong 6-kilometro, hilagang-kanluran ng bayan ng Agoncillo.
Ang naturang lindol ay may lalim na 8-kilometro.
Earthquake Alert: Agoncillo, Batangas, niyanig ng magnitude 4.1 na lindol dakong alas-6:35 ngayong umaga. Ayon sa @phivolcs_dost, ‘volcanic’ ang pinagmulan ng lindol. | via @phivolcs_dost pic.twitter.com/954JflkSoo
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) January 12, 2020
Naitala ang instrumental intensity III sa Tagaytay City.