Nanawagan na si Agrarian Reform Acting Secretary at Undersecretary Bernie Cruz sa 236 na Co-owners ng Collective Certificates of Land Ownership Award na matiyagang hintayin ang validated report na isinagawa noong May 23 hanggang 25.
Ito ang magpapakita ng opisyal na listahan ng mga kwalipikadong Agrarian Reform Beneficiaries na itatalaga sa 200 ektaryang Hacienda Tinang sa Barangay Tinang, Concepcion, Tarlac.
Layunin nitong maresolba ang Agrarian Dispute ng mga magsasaka sa naturang hacienda.
Ayon kay Cruz, dapat ding tulungan ang mga magsasaka na paunlarin ang kanilang pagsasaka para sa food security ng bansa.
Ang naturang Task Force ay nilikha ni Cruz noong March 11, sa pamamagitan ng Special Order 91, series of 2022 upang suriin ang mga record at pagtibayin ang agrarian reform beneficiaries, magsasaka at nakatira sa isang landholding.
Una nang inaresto ng PNP ang 93 magsasaka sa hacienda Tinang-Tarlac kabilang ang mga volunteer nito kaugnay ng isang aktibidad na may kaugnayan sa agrarian dispute sa nabanggit na lugar.