Inaasahang matatanggap na ngayong Hunyo ng mga apektadong magsasaka ng pag-aalburoto noon ng bulkang Mayon ang ipinangakong tulong ng Department of Agriculture o DA.
Ayon kay Albay Provincial Agriculturist Cherryl Rebeta, kabilang sa mga magsasakang makakatanggap ng tulong mula sa DA ang mga mula sa bayan ng Oas, Sto. Domingo, Camalig at siyudad ng Ligao.
Sinabi ng opisyal na nasa dalawampu’t limang libong piso (P25,000) ang inaasahang maipapautang sa mga magsasaka.
Mayroon namang dalawang taon ang mga magsasaka sa Albay para bayaran ang naturang loan.
—-