Muling pinaalalahanan ni Senator Cynthia Villar ang publiko na hindi bubuwisan sa ilalim ng bagong Tax Reform Law ang mga agricultural products.
Ginawa ni Villar ang pahayag kasunod ng napaulat na pagsipa ng presyo ng bigas sa ilang lugar sa bansa matapos maipasa ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN Law.
Giit pa ng senadora, nakakalungkot na sadyang may mga negosyanteng sinasamantala ang sitwasyon.
Dahil dito, binigyang diin ni Villar na bubuhayin nila ang monitoring teams na siyang magbabantay sa presyo ng mga pangunahing bilihin, partikular ang mga agricultural products.
—-