Aminado si President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na mayroon siyang reservations hinggil sa ratipikasyon ng Mega Trade Deal Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP), kung saan ang Pilipinas ang signatory.
Inihayag ni Marcos na nais niyang makita kung paano at ano ang magiging epekto ng RCEP sa agriculture sector ng bansa.
Dapat anyang talakayin muna na hindi malulugi ang ating agri- sector sa sandaling ratipikahan ito at dapat handa na ang sistema pagdating sa kompetisyon.
Ang RCEP, ay isang trade agreement sa pagitan ng sampung miyembro ng ASEAN kasama ang China, India, Japan, South Korea, Australia at New Zealand, na inaprubahan ng malakanyang noong Setyembre at isinumite sa senado upang sang-ayunan.