Magbebenta ng murang commercial rice ang DA o Department of Agriculture sa gitna ito ng mababang suplay ng nfa rice.
Ayon kay Agriculture Secretary Manny Piñol, mga dekalidad na bigas ang kanilang ibebenta sa halagang 38 Pesos kada kilo sa harapan ng tanggapan ng DA sa Quezon City simula sa Pebrero 14.
Aniya, mismong ang mga grupo ng magsasaka mula sa Gitnang Luzon ang magtitinda ng mga bigas.
Gayunman, lilimitahan lamang hanggang sa 25 kilos ang maximum na maaaring bilhin ng kada isang mamimili.
Paliwanag ni Piñol, layunin ng programa ang patunayang ang mahal sa bigas sa merkado ay dulot ng pagmamanipula ng mga traders sa presyo.
Nais din anila patunayan na sapat ang suplay ng mga bigas sa mga warehouse at mga imbakan sa buong bansa kaya walang dahilan para magtaas ng presyo.
Posted by: Robert Eugenio