Mas malaking market ang inaasahang papasukin ng sektor ng agrikultura ng Pilipinas sa China.
Ito ang inihayag ni Agriculture Secretary Manny Piñol makaraang tanggalin na ng China ang ban sa pag-aangkat ng saging at pinya mula Pilipinas.
Ayon kay Piñol, ipagpapatuloy na ng Tsina ang shipments mula sa dalawampu’t pitong blacklisted fruit exporters bilang regalo kay Pangulong Rodrigo Duterte sa pagbisita nito sa nasabing bansa sa October 20 hanggang 21.
Bukod sa saging at pinya, interesado rin anya ang Tsina sa posibleng pag-import ng mangga at dragon fruit, aqua-culture gaya ng hipon, lapu-lapu at bangus mula Pilipinas.
Ipinaliwanag ng kalihim na hindi maikakailang ang Tsina sa ngayon ang pinaka-malaking market ng mga agriculture product.
By: Drew Nacino