Patuloy ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa pagkakaloob ng mga training program, partikular ng agriculture-related courses.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Aniceto “John” Bertiz III, Deputy Director General for Operations ng TESDA, na kabilang ang sektor ng agrikultura sa kanilang mga prayoridad.
Sa katunayan aniya, sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic ay marami silang nabigyan ng training sa ilalim ng rice extension services program.
Una na ring sinabi ni Bertiz na ang nasabing programa ay makakatulong upang makamit ang food security at sufficiency sa bansa.