Oras na matanggap na ng DA o Department of Agriculture ang rekomendasyon galing sa mga dalubhasa na wala nang iba pang apektadong farms sa labas ng San Luis, Pampanga, maaari na umanong ituloy ang shipment ng manok mula sa Luzon sa iba pang lugar sa bansa.
Ito ang tiniyak ni Agriculture Secretary Manny Piñol sa isang press conference kaugnay sa kasalukuyang estado ng bird flu outbreak sa Pampanga.
Naiintindihan aniya ang mga negosyante ng poultry industry ngunit mas malaki umano ang magiging problema kung hahayaan niyang kumalat ito.
Kasabay nito, sinabi ni Piñol na handa siyang magbitiw sa pwesto kapag kumalat pa ang bird flu sa Visayas at Mindanao dahil sa kapabayaan niya.
Alam ko, naiintindihan ko kung gaano kasakit sainyo ang 18 million eggs, 18 million eggs is 18 million eggs a week.
I know you’ve been losing a lot of money but please understand, halimbawa lang lumabas ng Luzon, hindi ko na kayang pigilin ‘yun eh, magre-resign ako kapag kumalat ito ng Visayas at ng Mindanao dahil sa kapabayaan ko magre-resign ako
Samantala, humingi naman ang kalihim ng paumanhin sa mga negosyante bunsod ng pagpapatupad nito ng ban sa pag-aangkat ng mga poultry products mula Luzon patungo sa iba’t ibang panig ng bansa.