Pinagbibitiw at pinadedeklarang persona non-grata ng mga grupo ng manggagawa at magsasaka sa Negros Occidental si Agriculture Secretary Manny Piñol.
Ayon kay Wennie Sancho, secretary general ng GAWA o General Alliance of Workers Associations, isang insulto sa mga magsasaka at manggagawa sa industriya ng asukal ang pahayag ni Piñol na binayaran sila sa kanilang kilos protesta noong Marso 20.
Giit ng grupo, tila pinoprotektahan lamang ng kalihim ang interes ng mga multinational beverages company ng kasunod ng anunsyo ni Piñol na nais nitong ipatanggal ang Sugar Order No. 3 na nagre-regulate sa importasyon ng high fructose corn syrup.
Binatikos rin ng grupo ang pagiging kontra mangagawa at kontra mahihirap ng mga proyektong pang-agrikultura ni Piñol.
By Krista De Dios