Binuweltahan ni dating Justice secretary Vitaliano Aguirre ang kolumnistang si Ramon Tulfo.
Kaugnay ito sa alegasyon ni Tulfo na sya ang utak sa “pastillas scheme” sa Bbureau of Customs (BOC) at idinedeliver sa pamamagitan ng helicopter ang kanyang parte sa Mulanay, Quezon.
Ayon kay Aguirre, napakarami nyang kalaban sa pulitika dahil sya ang lider ng Quezon chapter ng PDP-Laban kabilang na dito ang alkalde anya ng Mulanay.
Tahasang sinabi ni Aguirre na ang alkalde ng Mulanay mismo ang taga-suplay ng anya’y mga kasinungalingan kay Tulfo.
Kasabay nito, itinuro ni Aguirre si dating Tourism secretary Wanda Teo, kapatd ni Tulfo, na kabilang sa mga nagsulong sa visa-upon-arrival para sa mga Chinese nationals.
Naging makulit anya si Teo sa tuwing magkikita sila sa cabinet meetings para palagdain sya sa isang circular kung saan pinapayagan ang visa-upon-arrival para sa Chinese nationals.
Iginiit ni Aguirre na handa syang humarap at magpaliwanag sa senado kahit pa harap-harapan sila ni Tulfo.