Handang magbitiw sa puwesto si Justice Secretary Vitaliano Aguirre sa sandaling mawalan na ng tiwala sa kaniya si Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ang tugon ng kalihim kasunod ng panawagang magbitiw sa puwesto ang mga matataas na opisyal ng gubyerno na posibleng sangkot sa katiwalian.
Magugunitang naging laman ng talumpati ng Pangulo sa harap ng Filipino Community sa Cambodia ang hinggil sa panunuhol ng online gambling tycoon na si Jack Lam na nagkakahalaga ng 50 Milyong Piso.
Una nang sinabi ng Pangulo na wala siyang sasantuhin at wala siyang patatawarin sa isyu ng kurapsyon kahit pa mga kaibigan niya ang sangkot dito.
By: Jaymark Dagala / Bert Mozo