Ibinunyag ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre na nakatakas mula sa raid sa Fontana Leisure Park ang 800 Chinese National.
Sinabi ito ni Aguirre sa kanyang pagdalo sa pagdinig ng senado hinggil sa panunuhol ng gambling tycoon na si Jack Lam sa mga kawani ng Bureau of Immigration o BI.
Hindi naman tinukoy ni Aguirre kung saan nagtungo ang mga nasabing Chinese Nationals, matapos ang raid.
Tinig nina Justice Sec. Vitaliano Aguirre at Sen. Richard Gordon
Bahagi ng palitan nina Justice Secretary Vitaliano Aguirre at Senate Blue Ribbon Chairman Richard Gordon, sa pagdinig ng senado.
By: Katrina Valle