Kinumpirma ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre na nakipag usap siya sa mga miyembro ng Marcos family sa isang Italian restaurant sa loob ng isang mall sa Makati City.
Ayon kay Aguirre, isa siya sa mga naimbitahang guest ng producer ng advance showing ng Mamasapano movie at hindi niya batid kung naruon si Gregorio Greggy Araneta.
Sinabi ni Aguirre na wala namang masama sa pagkikita nila ng Marcoses na nilabanan niya noon bilang isang batang abogado at aktibista.
Bukod kay Araneta na asawa ni Irene Marcos, lumalabas sa Facebook post ng social activist na si Gang Badoy na nakita si Aguirre kasama sina dating First Lady Imelda Marcos at dating Senador Ferdinand Bong Bong Marcos.
Aguirre inaming nagdadalawang isip na siyang mag rekomenda sa mga bakanteng posisyon
Inamin ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre na nagdadalawang isip na siyang mag rekomenda sa mga bakanteng posisyon.
Ito ayon kay Aguirre ay dahil sa aniya’y tiwaling immigration officials na sina dating Deputy Commissioners Al Argosino at Michael Robles na dawit sa P50 -M bribery scandal.
Ayaw aniya niyang maulit ang nasabing insidente at mai-ugnay sa mga palpak na opisyal dahil lamang sa inirekomenda niya ang mga ito.
Sinabi pa ni Aguirre na hindi rin naman siya sigurado kung ang mga irerekomenda niya ay nais na italaga ng Pangulong Rodrigo Duterte sa puwesto.
By Judith Larino