Hindi na ikinagulat pa ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre ang bantang pagsasampa ng kaso laban sa kanya at sa Office of the Solicitor General ni Atty. Levito Baligod.
Ito’y makaraang mabunyag na isinailalim na sa partial coverage ng witness protection program si PDAF Scam Queen Janet Lim – Napoles.
Sa panayam ng DWIZ kay Aguirre, sinabi nito na malaya si Baligod bilang isang malayang mamamayan para gawin ang anumang ninanais nito.
Nilinaw din ni Aguirre na itinatama lamang nila ang mga maling nagawa ng nakalipas na administrasyon hinggil sa mga hindi pa nakakasuhang personalidad na sangkot sa PDAF scam
“Kung matatawag na wrong yung hindi pag file sa mga lawmakers ay wrong yun. Kin-correct din natin pero wala kaming kino-correct doon sa na file na. This is a free country you can do what you like. Pero gagawin ko rin po yung katungkulan ko.”
(From Sapol Interview)