Inihain na ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre ang kasong kriminal laban kay Senator Risa Hontiveros sa Pasay City Prosecutor’s Office ngayong araw.
Ito ay kasunod ng pagkakabunyag ng umano’y “text exchanges” sa pagitan nina Aguirre at dating Negros Oriental Representative Jacinto ‘Jing’ Paras sa isinagawang Senate inquiry noong nakaraang buwan.
Ang “text exchanges ” ay naglalaman ng di umano’y planong case build up laban kay Hontiveros.
Tatlong counts ng paglabag sa Republic Act 4200 o ang Anti-Wiretapping Act ang isinampa ni Aguirre laban kay Hontiveros dahil sa umano’y hindi awtorisadong pakikialam ng senadora sa pribadong usapan ng dalawang tao at pagsasapubliko dito.
Kasabay nito ay sinampahan rin ni Aguirre ng ethics complaint si Hontiveros sa Senado at hiniling na mapatalsik ito sa puwesto.
Sa pagpapatuloy ng imbestigasyon ng Senado kaugnay sa pagkakapatay sa mga kabataan sa giyera kontra droga ay iginiit ni Aguirre na sinadya at pinagplanuhan ni Hontiveros ang nasabing aksyon at handa umano siyang magbigay ng mga ebidensya.
“I condemn to the highest degree this violation of my right to privacy and communication. Lantaran ang paglabag nito, nakakatakot na maulit pa ulit ito. Lahat ay pwedeng maging biktima.”
“I condemn such unethical act, it’s an issue of decency.” Pahayag ni Aguirre
Binigyan diin naman ni Senator Hontiveros na inililihis lamang ni Aguirre ang publiko sa totoong isyu, aniya panahon na para magbitiw sa puwesto ang kalihim dahil sa pagdungis nito sa reputasyon ng buong kagawaran ng DOJ.
“The case filed against me by Justice Secretary Vitaliano Aguirre is a desperate attempt to deflect public attention away from his text conversation inadvertently captured by someone’s camera lens, which caught him red-handed plotting against me during a Senate hearing inside the Senate. This is the real issue here,”
“Secretary Aguirre was caught conspiring and instigating private individuals to file case was against a sitting senator inside the Senate. Hindi rin naman tinatanggi ni Secretary Aguirre ang text conversations. ‘Wag na tayo magpaligoy-ligoy pa Secretary Aguirre. Sabi ni Secretary Aguirre, bibigyan daw niya ako ng magandanag laban, magandang laban Secretary Aguirre o ‘Lutong Macau? Bisto na kayo secretary, panahon na para lisanin ang inyong posisyon.” Sagot ni Hontiveros
—-