Face off sa Senado ang nais ni dating Justice Secretary Vitalliano Aguirre kasama ang kolumnistang si Ramon Tulfo.
Ayon kay Aguirre, nais nyang sabihin ng harap harapan na sinungaling si Tulfo.
Kaugnay ito akusasyon ni Tulfo na sya ang mastermind ng pastillas scheme sa Bureau of Immigration.
Nagtataka si Aguirre na hindi binanggit man lang ng whistleblower ang kanyang pangalan pero ipinagpilitan ito ni Tulfo.
Sinabi ni Aguirre na binubuweltahan lamang sya ni Tulfo dahil tinanggihan nya ang kahilingan nito na pag-isahin na lamang ang mahigit sa 70 kasong isinampa ng Iglesia ni Kristo laban sa kolumunista noong s’ya pa ang justice secretary.