Nilinaw ni Secretary Vitaliano Aguirre na hindi niya kinakampihan o kinukunsenti ang naging aksyon ng tatlong police – Caloocan na sangkot sa pagkamatay ng 17 anyos na binatilyong si Kian Loyd Delos Santos.
Ayon kay Aguirre, ang kamatayan ay isang napakalaking trahedya lalo na sa pamilya ni Kian at hindi niya kailanman kakampihan ang mga nasasangkot na pulis sa insidente.
Sinabi pa ni Aguirre, na malinaw sa mga ebidensiya na nagkaroon ng foul play sa pagkamatay ni Kian kaya kanya na ring inatasan ang NBI o National Bureau of Investigation na magsagawa ng parallel investigation.
Matatandaang sa isinagawang pagdinig ng senado kahapon kaugnay ng pagkamatay ni Kian ay ikinagalit ng ilang senador ang ginagawang pagkukumpara ni Aguirre sa kaso ng binatilyo sa Bulacan massacre.